sunst0ne
Every now and then I would feel a violent stab of loneliness. The very water I drank, the very air I breathed, would feel like long, sharp needles. The pages of a book in my hands would take on the threatening metallic gleam of razor blades. I could hear the roots of loneliness creeping through me when the world was hushed at four o’clock in the morning.
 Haruki Murakami, The Wind-up Bird Chronicle (via stxxz)

Dumadating sa punto na hindi natin namamalayan na nabubuhay na pala tayo sa isang kasinungalingan. Hindi na natin alam kung paano pa tayo makaka-iwas. Aminin man natin o hindi, nalubog man tayo  o nakaahon isang bagay lang ang sigurado— naging masaya tayo sa kasinungalingan na iyon kahit pansamantala lamang. Karaniwan, hinahayaan nalang nating malubog at malunod sa kasinungalingan, mas pinipili nating makulong kaysa naman mawala yung pansamantalang kasiyahan na natatamo natin. Ito yung masaklap na katotohanan.

  • Hello ;) Maybe the reason why I made this account is because I want to explore the life that I wanted ever since na nalaman kong kaya ko palang ipakita ang nararamdaman ko sa mga salita at pangungusap . Noon akala ko simpleng story lang ang kaya kong gawin pero ngayon gusto kong maka-impluwensya sa iba gamit ang prinsipyo na ipinaglalaban ko. Siguro noon takot ako, lahat nga siguro nagbabago. Natuto akong tumayo sa tama at itama ang mali na aking nakikita.
  • Hindi ako seryosong tao. ako yung klase ng tao na sobrang babaw lang ang kaligayahan. Madaling makagaanan ng loob, madaling hulaan, madaling magpatawad at madaling lumimot. Bakit? Mahalaga kasi sakin ang bawat segundo para sayangin lamang sa mga bagay na wala namang maitutulong sa akin. Hinahayaan kong ang problema ang mamroblema sakin. Isa lang ang bagay na natutunan ko sa buhay at yun ay ang "Hangga't kinakaawan at ikinukumpara mo ang sarili mo sa ibang tao, hinding hindi mo makikita kung ano yung bagay na kaya mong gawin at maaari mo pang gawin"

Seven-hundred-sixty-five steps simula sa kanto at two-hundred-forty-two steps hanggang University. Masayang mabuhay ng parang ganito lang, idinadaan sa simpleng paraan.

Mahilig akong mag-ipon ng good memories. Para sa akin, ang mga Alaala ay ang mga pinaka-masayang pagkakataon sa ating buhay. Masakit pero ito yung katotohanan.

Umiiyak ako hindi dahil malungkot ako kundi dahil lang sa hangin na dumampi sa akin. 

Kapag nawala ako, hintayin mo ang mga ulan. Ibig sabihin nun, malapit lang ako sayo. Araw-araw namimiss kita kasi Mahalaga ka. kapag may hangin na nangiliti sa tainga mo ibig sabihin hawak ko ang kamay mo at kapag naman humampas ang malakas na hangin, tumigil ka. Ibig sabihin, yakap-yakap kita.